Happy birthday Mark!
Birthday kasi ni Mark kaya naisipan naming maggala, umabsent
siya sa work ng 1 day to spend time to celebrate his 25th birthday. I suggest
going to Bataan, since malapit and madali puntahan.
We start packing things Friday night of May 9, umalis kami ng 2am ng May 10. We take the road going to McArthur Highway to Apalit. Di pa gawa yung Apalit bridge kaya sinakay namin si Motmot sa banka, P75.00 pa ang singil sa amin para dun, since madaling araw kasi kami umalis kaya wala kaming kasabay. When we reach San Fernando, Pampanga then we turn right tinumbok namin yung papunta ng Guagua.
We start packing things Friday night of May 9, umalis kami ng 2am ng May 10. We take the road going to McArthur Highway to Apalit. Di pa gawa yung Apalit bridge kaya sinakay namin si Motmot sa banka, P75.00 pa ang singil sa amin para dun, since madaling araw kasi kami umalis kaya wala kaming kasabay. When we reach San Fernando, Pampanga then we turn right tinumbok namin yung papunta ng Guagua.
We try Lubao by pass road, mejo nagloloko si motmot nung mga
time na yun, humihinto hinto na naman, dahil nga sobrang dilim sa by pass road,
paghinto namin wala kang marinig, mabibingi ka sa katahimikan, nakakatakot kasi
ang dilim walang ilaw yung kasalubong lang namin na mga truck lang ang makikita
mong ilaw doon. Then after passing Lubao by pass road, we take the Bataan
Provincial Highway, may isa kaming nilikuan na daan para makarating sa national
highway papunta sa Ellison Hotel, kung saan kami magstay. Nakarating kami
malapit sa hotel mag 5 am na so medyo maaga pa yun para magcheck in, pero pagod
na si Mark so sabi ko sige, pag nag 6 pasok na tayo at magtanong magkano rate.
Kumain muna na lang kami ng dala naming baong almusal sa daan habang nagaantay
ng oras.
Paakyat ng bundok pagpunta sa dambana, may mga curve din na daan on the way pero smooth naman ang pagakyat kaya naman ni Motmot.
Finally, nakarating
kami!!
Mainit na nung mga time na yun dahil magalas dose na kami nakarating.
Napakaganda ng view sa paanan pa lang at papasok ng Dambana. Sobrang laki ng
Krus, nakaka-amaze.
We started walking and taking pictures going up, napakaganda ng view.
As we reach the top, bumungad agad yung paanan ng dambana. Napakataas
ng dambana. Sa ibabang parte at palibot ng dambana may mga ukit ng iba’t ibang
scenario.
Kumain muna kami ng ice cream pangtanggal ng init at tubig pamatid sa
uhaw. Naupo muna kami sa may bakanteng pwedeng upuan doon para magpahinga at
maghintay para sa pagbukas nung entrance para sa pagakyat papunta sa taas ng
dambana. While waiting, nakakita kami ng napakaraming rider na umakyat din para
Makita ang dambana, maraming pamilya din ang nagpipicnic doon.
Sa wakas magbubukas na. May pila ang pagpasok sa loob ng
dambana. May bayad din na 8 pesos ang isa. Set of 8 persons lang ang pwede sa
elevator, aantayin pa bumaba ang elevator bago ulit magpaakyat. Halos sandali
lang kami doon dahil si Mark takot sa heights bumaba din kami agad. Makikita mo
dun sa taas ang palibot ng Bataan, makikita mo ang green na kapaligiran, at ang
anyong tubig.
We decided to go back to Elison hotel, but before that
nagloko na naman si motmot, di na naman siya magstart pero sabi ko kalma lang
tayo kaya yan. Chineck ko yung phone ko sa likod ng Givi box ni Mark, uminit?
Hanggang sa nadrain. Siguro sobrang init lang talaga ng panahon yun. Anyway,
nakabalik naman kami sa Elison.
Pagdating naming sa Elison halos mag 5 pm na, nagmerienda muna kami
at bumili ng pangdiner sa Chowking. Nagrelax muna kami sa hotel, nood tv habang
kumakain. Natulog na kami mga 10pm na. Maaga kami umalis mga 5am lang kasi
mainit na ang araw pagkapinatagal pa namin.
Eto po yung sitwasyon dun sa Apalit, sinakay sa bangka yung
motor namin makatawid lang dahil sa ginagawa yung tulay nung mga panahon na
iyon..
We reached our home safe naman, pero dahil sa walang habas
si Mark magpatakbo dun sa part ng road na mataas ang hamps nadurog yung isa
niyang bearing sa likod kaya nagwiwiggle kami habang bumabyahe, at isa pa
naiwan niya ang Cellphone niya. Haaaayyy..
Pero dahil mabait naman yung receptionist dun na Sir, sabi naming ipaLBC na lang niya at babayaran naming, pero di nay un nangyari kasi luluwas naman daw si sir papunta ng Cubao, ang office ko naman ay isang MRT lang sa Cubao kaya nagkita na lang din kami. Sobrang Thankful ko kay Sir kasi sobrang bait niya at dinala sinauli niya ang phone namin. J
Pasensya na, di ko kasi maalala yung name ni Sir.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento