Sa totoo lang kaya kami napunta dito dahil lang sa kapatid
ko na need yung kalan nila dalhin, jusme, e since wala rin naman kaming magawa,
sabi ko kay Mark, tara punta tayo, pumayag naman siya, sabi ko gala na lang
kami.
First thing in mind ko talaga na pagdating dun puntahan is
yung Hundred Islands saka yung light house sa Bolinao. Pero iba ang nangyari.
Umalis kami ng gabi ng Sabado after work ni Mark mga 8pm,
naexcite kami syempre kasi aalis eh although nakakapagod kasi di kami matutulog
ng buong gabi dahil sa byahe, bagong bili din yung sapatos na suot ko. Hehee
di ko matandaan san to eh |
Mark driver..hehehe |
When we enter San Fernando, umulan, nak ng tatay, yung
sapatos ko nabinyagan. Anyway, nagpalit kami agad ng raincoat kasi medyo
malakas yung ulan, pero bigla ring huminto, ang saya diba, sayang palit.
Anyway, noong nasa Tarlac na kami nacheck point kami, di pa kasi ayos yung head
light ni Motmot noon kaya yun yung nasita pero nakita naman na dayo kami
pinalampas naman, sinabihan na lang kami na mag-ingat. Nakarating kami ng
Rosales, Pangasinan mga 2 am, nagpahinga lang saglit sa isang gasoline station
si Mark mga 30 minutes din. Tuloy tuloy byahe hanggang umabot kami ng Dagupan,
at dahil maraming ginagawang kalsada that time nadisgrasya kami. May isang
malaking tarpaulin kasi dun na detour sign, since nga yung headlight ni Motmot
is mahina di nakita ni Mark sa malayo pa lang na may detour, late na siya
nakapagpreno at nabangga kami dun sa tarpaulin, nakalas lang ang kadena namin
pero nakatakbo naman after, yun nga lang kada takbo namin ng mabilis nakakalas
yung kadena so mejo delikado talaga kaya sabi ko kay Mark ayusin na lang kaya
imbes na mapaaga kami sa Linggayen, mejo mag 6 am na kami nakarating sa kapatid
ko.
Nakitulog muna kami dun, 10am umalis na kami agad kasi we
need to go back in Manila agad dahil kinabukasan Monday at may pasok.
But before we went home, nagside trip muna kami syempre kasi yun ang usapan na maggala muna bago umuwi para may memories naman.
Ayun nga pumunta kami ng Alaminos para kumain at dun din naman ang way papunta sa Hundred Islands..
Alaminos City Hall |
Road Sign going to 100 Islands! |
Upon arrival dun sa Hundred Islands syempre picture picture muna..
Well, mga 1:30 pm na nung nakarating, sa mga rentahan ng bangka nagtanong kami kung magkano ang renta P 1,200 pesos daw good for 1 day na yun at good for I think kasya ang 6 pax or more, basta depende sa bangka. Ayun sa kasamaang palad sa malayo lang namin nakita kasi wala kaming pambayad pa dun sa Bangka..hahahaha Aside dun, kulang sa time sayang naman kung magrent kami ng bangka eh late na sa oras at uuwi pa kami ng Manila baka di namin masulit, sayang lang din. Bumili na lang kami ng mga pasalubong. Then gusto sana naming pumunta ng Bolinao din dapat kaso din late na nga diba at kulang sa time kaya we decided agad umuwi, nagsight seeing na lang kami. Kung anong makita sa daan na magandang view nagpapicture na lang kami.
Over all, masayang byahe naman, experience din and atleast we conquer Pangasinan kahit 1 day lang!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento