Biyernes, Enero 8, 2016

Our beloved MOTMOT!



Kawasaki Wind 125
Gusto ko ipakilala ang service namin si motmot. Unang sakay ko kay motmot wayback my 21st birthday and that was Oct. 15, 2012, first personal meet up din namin ni Mark. Di ako marunong sumakay sa motor pa noon, para akong timang, kasi di ko alam pano sumampa kasi ang taas ng motor niya pero nairaos ko naman. hahaha

Anyway, my first travel with motmot and Mark was in Tagaytay, hanggang sa nasundan na ng nasundan kasi gusto ni Mark na malaman kung hanggang saan kaya ni Motmot makarating.
Lamig na Lamig ang driver ko. (Mark)
Sa totoo lang, Kawasaki wind 125 is not a typical type of single motor na makikita mo sa daan sa ngayon, this motorcycle was made for tricycles and alam mo yun, old style, di maporma, laos na, mga panggurang na ang peg and malamang maraming tumatawa na "oh, yan lang motor mo". Kasi usually ang makikita mong astig sa daan is yung mga Susuki Raider, Yamaha Mio, etc., e yung samin kamusta naman.
Pero I'm not ashamed na eto ang gamit naman ngayon at I'm proud pa nga! Kasi unang una sa lahat araw araw nagagamit namin syang service sa work. Nakakatipid kami sa pamasahe at sa oras namin pagpasok dahil mas nakakasingit singit sa daan. At si Motmot pwede mo ilusong sa baha hanggang hips, lalo na lugar namin ni Mark (Malabon at Navotas) bahain talaga. Nagsisilbi siyang savior namin pagkawalang masakyan na mga jeep pagka usapang baha na.

Sa lahat ng naguunder estimate kay Motmot, iniisip ko na lang, di nila alam kung gano ang experience na napagdaanan ng motor na ito at kung saan saan na siya nakarating. At isa din sa ikinaproud ko is ang aking driver (hahahah) kasi minsan paggagala kami ng malayo, after work niya magdrive siya ng gabi hanggang madaling araw, o diba ang tibay! Ako kahit antok na antok na, siya drive lang, walang makakapigil sa kanya. I trust him sa pagdrive talaga dahil maingat naman siya sa pagdrive saka as if naman makikipagkumpetensya kami sa matutulin na sasakyan. 



Well I hope na nakilala niyo na ang motmot namin, wait lang kayo sa bagong adventure namin!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento