Biyernes, Enero 29, 2016

Tagaytay Blow Out

This was our first travel with motmot way back May 2013, malayo na siya para sa amin, syempre first time eh. In fact, marami ang nagsasabi na di kakayanin namin pero wala kaming pakialam kasi parehas naming gusto ni Mark. I mean, confident ang driver eh, so confident na din ako at first time ko sa Tagaytay din kasi kung sakali.


Sinundo niya ako sa bahay ng 3 am. We take the road going to 5th Avenue, Caloocan going to San Juan until we reach the road to OsmeƱa Highway, we only take service road due that the we all know that the kind of motorcycle we have is not allowed in Express lane. We take the Sta. Rosa-Tagaytay Road for us to reach Tagaytay City proper.







Kumain muna kami sa 7-eleven para kumain at magkape dahil di pa kami nagbreakfast. Grabe nga eh, yung libreng tissue ng store pinunas namin sa muka naming nangitim. Hahahah


Anyway, pumunta agad kami dun sa tutuluyan namin which is View Point Inn, overlooking siya. Naglinis muna kami, nagpalit ng damit at nagpahinga. Mga 2 pm na rin ata kami nakapaglunch sa Mang inasal.

Ang naisip namin na bukas na lang kami mamasyal kasi late nab aka mabitin lang kami sa pamamasyal. Mejo mag6pm pa lang pero mahamog na need na ng fog lamp, wala kami nun kaya nagingat kami ng sobra. Hehehe

Nagtake out na lang kami ng dinner sa Jollibee at dinala dun sa View Point, nanood na lang kami ng TV at natulog ulit.

Kinabukasan maaga kami naggayak at out na din naman na kami dun sa view point inn, P1,400 ang bayad namin ni Mark, alam ko nagdown payment kami eh di ko lang maalala kung magkano. Anyway, umalis na kami at nagsimulang mamasyal.


Inuna muna naming ung people’s park. Naamaze ako dun sa view. Dami naming picture dun. Meron din pala dun nagbebenta ng mga souvenirs.








Medyo mainit na rin at naisipan na naming bumaba at pumunta na sa Picnic grove. 


Nagbayad muna kami ng entrance at parking fee.

Inuna naming yung pagsakay sa kabayo P 300 isang oras, white horse ang nasakyan naman, o diba parang fantasy ang peg. Enjoy na enjoy si Mark, ako uncomfortable kasi iniisip ko pano kung magwala ung kabayo, pero I try my best naman na maging calm, nagpicture picture na lang para mawala ang kaba.


Nagzipline kami after sa kabayo. Secret lang, pero si Mark takot sa heights. So nung kinunan nga kami ng picture yung muka niya di maipinta. Yung 1 way lang yung natry naming kasi 300 ang isang tao, pero may kasama ng souvenir picture yun. After ng ride, sinabi ni mark saken na masaya daw pala yung zipline. “Ohhhhh”, sabi ko. Hahahaha Di na siya takot pagzipline. hahahah


After ng picture picture naming sa buong picnic grove, umuwi na kami.

Masaya naman ang first trip namin ni Mark sa Tagaytay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento