My birthday celebration!
Nagipon talaga kami for this. This is my first time na makatungtong sa Baguio City kaya sobrang tuwang tuwa ako at since ito rin ay celebration ng aking kaarawan so isang malaking regalo ito para saken. Kasi yung mga nakikita ko sa television, nakikita sa internet at naririnig sa mga kwento mapupuntahan ko na.
Di namin tinapat ang alis ng saktong birthday ko dahil alanganin at baka mabitin lang sa pagpasyal kaya tinapat namin ito na may holiday para medyo mahaba haba ang araw ng pagpasyal. Since may SK election ng October 28, 2013, its Monday, nagleave na lang kami sa work naming dalawa start October 25, 2013 hanggang October 28, 2013. Before din ng aming alis, naghanap na ako sa internet at naginquire ng mga murang transient. Napili namin yung BAB’S PLACE BAGUIO TRANSIENT ROOM, address: 508 Hillside, Baguio city since mura siya 250/head and yung place pwede ka magluto. Hehehe, mas makakatipid kasi kami dun.
Umalis kami ng 12 midnight sa bahay namin. Di na nga ata ako nakapagpalit ng damit from office derecho alis eh..hahahaha, nasip ko siguro nung time na yun na dun na lang ako maliligo since madudumihan din naman ako while on travel. Anyway, we pray before kami umalis dahil malayo iyon at first time namin aalis ng ganun kalayo.Sinundan namin daan ng McArthur highway hanggang marating namin ang daan ng Kennon Road.
Experience on the road:
Ginagawa pa din nung time na yun yung tulay ng Apalit kaya nagbangka kami, ang siningil pa nga sa amin nung time nay un is 150 pesos, special trip since nga madaling araw kami bumiyahe. (pero ngayon ayos na yung tulay).
Noong mga unang oras Ok pa, gising na gising pa diwa ko habang nakaback
ride, naguusap pa kami ni Mark at nagtatawanan pagdating ng Tarlac, pakiramdam
ko napakalayo at ang tagal tagal ng byahe namin, Hinihila na yung mata ko
patulog, sinabi ko yun kay Mark, ang nakakatawa nagbaon siya ng Sinturon para
itali nia ako sa kanya para daw di ako mahulog sa likod niya habang nagbabawi
sa tulog..hahahahaha
Anyway, ramdam na ramdam
ko naman na sobrang antok na antok ako, at every time gumigising ako to check
asan na kami. Nagising diwa ko nung nagsabi si Mark na naiihi na siya, at
malapit na nga daw kami sa Pangasinan, mga 5:30am na yun. Nakakita kami ng
burger stand lagpas lang ng konti sa Sm Rosales, kumain muna kami dun as our
almusal, nakakatuwa din pala yung experience kasi di pala tagalog ang salita
dun, nagulat lang kasi yung nagserve na Kuya sa amin kasi in tagalog kami
nagorder.
Then nagcontinue ang
byahe namin after namin kumain, nagstop kami sa Pozorobio nakiusap kasi ako na
makikiihi sa isang bahay dun na may naglalaba, di na nila ako pinabayad kaya
maraming salamat po!
As per reaching Kennon
road, Im very excited na kasi ilang kilometro na lang Baguio na. In-enjoy namin
yung daan ng Kennon Road, nga pala, maraming nagsasabi na baka di namin kayanin
or di kayanin ng motor namin nung mga time na yun ung daan sa Kennon dahil
matarik at pasikot sikot na daan, pero wala dedma lang kami dahil gusto namin
makapunta talaga, lakas ng loob at tiwala sa Panginoon na patnubayan kami sa
byahe namin.At sa wakas nakarating din kami!
Hinanap muna namin yung transient
sa Hillside, syempre gusto muna naming magpahinga bago pumasyal dahil sa haba
ng byahe.
Mabait at very accommodating
yung may ari ng transient house kasi inasikaso niya kami agad, pinalinis yung
tutuluyan namin agad at inorient about dun sa room. Nagmuni muni muna kami
sandali, maya maya nakatulog kami sa sobrang pagod. Pagkagising namin, naligo
muna kami kasi sobrang dumi na namin. Infairness, malamig ang tubig pero kineri
naman namin. Umaulan nung time ng hapon na yun, nagpatila lang muna kami bago
umalis. Pumunta na lang kami ng La Trinidad to see yung strawberry farm. You
can pick strawberry per kilo ata yun, di kasi naming tinry kasi di pa naman
hinog yung mga strawberry at namahalan kami. Hahaha. Nagpapicture na lang kami
dun sa farm. Bumili din kami ng mga souvenirs dun like wine, sweets etc. Then
bumalik na kami sa transient.
Magdagdag ng caption |
Day 2:
Nagprepare kami for our
next trip, syempre almusal muna para may lakas sa maghapon.
First stop namin is
Our Lady of Lourdes Grotto. It was a nice place, makikita mo ang view ng Baguio
pagkanaakyat mo yung taas na hagdan. May makikita kang mga souvenir shop doon
sa taas, at tyempo nakakita kami ng mga igorot, nagpapicture kami. (May bayad
syempre kada picture). May nagtitinda ng strawberry taho, nagtry din kami
masarap naman siya. Pagbaba namin may mga binili kaming mga souvenir doon sa
mga nagtitinda at umalis na kami.
Pumunta muna kami sa
Baguio City public market para bumili ng lulutuin naming pagbalik sa transient.
Tapos nadaanan lang naming yung Burnham park kaya dumaan na kami at nagenjoy sa
view at mga attractions dun.
We try to ride the swan Bangka it was fun and
masakit sa kamay magsagwan infairness.
We also tried padyak, maraming
nagkakabungguan na mga ganun dun kasi mga bata nagdadala, nabunggo nga din
kami. Haysss..
Anyway, dumaan kami sa SM at kumain ng aming hapunan, naggala na
din kami sa loob ng sm, nakita namin na magpeperform ang the voice that time,
pinanood naming sandali at umuwi din agad.
Day 3:
Our last day, we started
our day with breakfast and ligo syempre.
Sulitin na kasi last day na. Pumunta
kami sa Botanical Garden muna. Madaming puno at mga bulaklak na meron dun. At
mga pwedeng picture perfect na view.
Next is yung The
Mansion. Di pwede pumasok sa loob hanggang dun lang sa gate, kaya saglit ka
lang magstay dun at magpapicture. Nga pala inalok kami ng guard dun na bumili
ng Office of the President na sticker, gusto sana naming bumili kasi 300 lang
kaso wala na kaming pang-gas pauwi. Hahahah
Last stop namin ang mines view. Maganda ang view sa Mines view. Kaya lang yun nga, dami quary. Sana mamaintain yung dami ng puno kasi nakakacause ng maraming landslide. We enjoy na yung last ride naming sa malamig at nakakarelax na mga kalsada ng Baguio bago umuwi sa transient.
di kasi kami makasingit sa pics, eh nauna si kuya sa pagpose jan, o di siya na nakuhanan..hahahah |
Gumising kami ng 5:00 am, nagprepare para umuwi. Byahe ulit pabalik ng Manila, same road, Kennon to McArthur Highway. Pass 3:00 pm nakarating kami ng bahay.