Biyernes, Enero 29, 2016

Tagaytay Blow Out

This was our first travel with motmot way back May 2013, malayo na siya para sa amin, syempre first time eh. In fact, marami ang nagsasabi na di kakayanin namin pero wala kaming pakialam kasi parehas naming gusto ni Mark. I mean, confident ang driver eh, so confident na din ako at first time ko sa Tagaytay din kasi kung sakali.


Sinundo niya ako sa bahay ng 3 am. We take the road going to 5th Avenue, Caloocan going to San Juan until we reach the road to OsmeƱa Highway, we only take service road due that the we all know that the kind of motorcycle we have is not allowed in Express lane. We take the Sta. Rosa-Tagaytay Road for us to reach Tagaytay City proper.







Kumain muna kami sa 7-eleven para kumain at magkape dahil di pa kami nagbreakfast. Grabe nga eh, yung libreng tissue ng store pinunas namin sa muka naming nangitim. Hahahah


Anyway, pumunta agad kami dun sa tutuluyan namin which is View Point Inn, overlooking siya. Naglinis muna kami, nagpalit ng damit at nagpahinga. Mga 2 pm na rin ata kami nakapaglunch sa Mang inasal.

Ang naisip namin na bukas na lang kami mamasyal kasi late nab aka mabitin lang kami sa pamamasyal. Mejo mag6pm pa lang pero mahamog na need na ng fog lamp, wala kami nun kaya nagingat kami ng sobra. Hehehe

Nagtake out na lang kami ng dinner sa Jollibee at dinala dun sa View Point, nanood na lang kami ng TV at natulog ulit.

Kinabukasan maaga kami naggayak at out na din naman na kami dun sa view point inn, P1,400 ang bayad namin ni Mark, alam ko nagdown payment kami eh di ko lang maalala kung magkano. Anyway, umalis na kami at nagsimulang mamasyal.


Inuna muna naming ung people’s park. Naamaze ako dun sa view. Dami naming picture dun. Meron din pala dun nagbebenta ng mga souvenirs.








Medyo mainit na rin at naisipan na naming bumaba at pumunta na sa Picnic grove. 


Nagbayad muna kami ng entrance at parking fee.

Inuna naming yung pagsakay sa kabayo P 300 isang oras, white horse ang nasakyan naman, o diba parang fantasy ang peg. Enjoy na enjoy si Mark, ako uncomfortable kasi iniisip ko pano kung magwala ung kabayo, pero I try my best naman na maging calm, nagpicture picture na lang para mawala ang kaba.


Nagzipline kami after sa kabayo. Secret lang, pero si Mark takot sa heights. So nung kinunan nga kami ng picture yung muka niya di maipinta. Yung 1 way lang yung natry naming kasi 300 ang isang tao, pero may kasama ng souvenir picture yun. After ng ride, sinabi ni mark saken na masaya daw pala yung zipline. “Ohhhhh”, sabi ko. Hahahaha Di na siya takot pagzipline. hahahah


After ng picture picture naming sa buong picnic grove, umuwi na kami.

Masaya naman ang first trip namin ni Mark sa Tagaytay.

Biyernes, Enero 22, 2016

Conquering Pangasinan


Sa totoo lang kaya kami napunta dito dahil lang sa kapatid ko na need yung kalan nila dalhin, jusme, e since wala rin naman kaming magawa, sabi ko kay Mark, tara punta tayo, pumayag naman siya, sabi ko gala na lang kami.
First thing in mind ko talaga na pagdating dun puntahan is yung Hundred Islands saka yung light house sa Bolinao. Pero iba ang nangyari.
Umalis kami ng gabi ng Sabado after work ni Mark mga 8pm, naexcite kami syempre kasi aalis eh although nakakapagod kasi di kami matutulog ng buong gabi dahil sa byahe, bagong bili din yung sapatos na suot ko. Hehee

di ko matandaan san to eh
Mark driver..hehehe





















When we enter San Fernando, umulan, nak ng tatay, yung sapatos ko nabinyagan. Anyway, nagpalit kami agad ng raincoat kasi medyo malakas yung ulan, pero bigla ring huminto, ang saya diba, sayang palit. Anyway, noong nasa Tarlac na kami nacheck point kami, di pa kasi ayos yung head light ni Motmot noon kaya yun yung nasita pero nakita naman na dayo kami pinalampas naman, sinabihan na lang kami na mag-ingat. Nakarating kami ng Rosales, Pangasinan mga 2 am, nagpahinga lang saglit sa isang gasoline station si Mark mga 30 minutes din. Tuloy tuloy byahe hanggang umabot kami ng Dagupan, at dahil maraming ginagawang kalsada that time nadisgrasya kami. May isang malaking tarpaulin kasi dun na detour sign, since nga yung headlight ni Motmot is mahina di nakita ni Mark sa malayo pa lang na may detour, late na siya nakapagpreno at nabangga kami dun sa tarpaulin, nakalas lang ang kadena namin pero nakatakbo naman after, yun nga lang kada takbo namin ng mabilis nakakalas yung kadena so mejo delikado talaga kaya sabi ko kay Mark ayusin na lang kaya imbes na mapaaga kami sa Linggayen, mejo mag 6 am na kami nakarating sa kapatid ko.



Nakitulog muna kami dun, 10am umalis na kami agad kasi we need to go back in Manila agad dahil kinabukasan Monday at may pasok. 

But before we went home, nagside trip muna kami syempre kasi yun ang usapan na maggala muna bago umuwi para may memories naman. 


Ayun nga pumunta kami ng Alaminos para kumain at dun din naman ang way papunta sa Hundred Islands..

Alaminos City Hall
Road Sign going to 100 Islands!

 Upon arrival dun sa Hundred Islands syempre picture picture muna..

Well, mga 1:30 pm na nung nakarating, sa mga rentahan ng bangka nagtanong kami kung magkano ang renta P 1,200 pesos daw good for 1 day na yun at good for I think kasya ang 6 pax or more, basta depende sa bangka. Ayun sa kasamaang palad sa malayo lang namin nakita kasi wala kaming pambayad pa dun sa Bangka..hahahaha Aside dun, kulang sa time sayang naman kung magrent kami ng bangka eh late na sa oras at uuwi pa kami ng Manila baka di namin masulit, sayang lang din. Bumili na lang kami ng mga pasalubong. Then gusto sana naming pumunta ng Bolinao din dapat kaso din late na nga diba at kulang sa time kaya we decided agad umuwi, nagsight seeing na lang kami. Kung anong makita sa daan na magandang view nagpapicture na lang kami.






 Over all, masayang byahe naman, experience din and atleast we conquer Pangasinan kahit 1 day lang!

Biyernes, Enero 8, 2016

Our beloved MOTMOT!



Kawasaki Wind 125
Gusto ko ipakilala ang service namin si motmot. Unang sakay ko kay motmot wayback my 21st birthday and that was Oct. 15, 2012, first personal meet up din namin ni Mark. Di ako marunong sumakay sa motor pa noon, para akong timang, kasi di ko alam pano sumampa kasi ang taas ng motor niya pero nairaos ko naman. hahaha

Anyway, my first travel with motmot and Mark was in Tagaytay, hanggang sa nasundan na ng nasundan kasi gusto ni Mark na malaman kung hanggang saan kaya ni Motmot makarating.
Lamig na Lamig ang driver ko. (Mark)
Sa totoo lang, Kawasaki wind 125 is not a typical type of single motor na makikita mo sa daan sa ngayon, this motorcycle was made for tricycles and alam mo yun, old style, di maporma, laos na, mga panggurang na ang peg and malamang maraming tumatawa na "oh, yan lang motor mo". Kasi usually ang makikita mong astig sa daan is yung mga Susuki Raider, Yamaha Mio, etc., e yung samin kamusta naman.
Pero I'm not ashamed na eto ang gamit naman ngayon at I'm proud pa nga! Kasi unang una sa lahat araw araw nagagamit namin syang service sa work. Nakakatipid kami sa pamasahe at sa oras namin pagpasok dahil mas nakakasingit singit sa daan. At si Motmot pwede mo ilusong sa baha hanggang hips, lalo na lugar namin ni Mark (Malabon at Navotas) bahain talaga. Nagsisilbi siyang savior namin pagkawalang masakyan na mga jeep pagka usapang baha na.

Sa lahat ng naguunder estimate kay Motmot, iniisip ko na lang, di nila alam kung gano ang experience na napagdaanan ng motor na ito at kung saan saan na siya nakarating. At isa din sa ikinaproud ko is ang aking driver (hahahah) kasi minsan paggagala kami ng malayo, after work niya magdrive siya ng gabi hanggang madaling araw, o diba ang tibay! Ako kahit antok na antok na, siya drive lang, walang makakapigil sa kanya. I trust him sa pagdrive talaga dahil maingat naman siya sa pagdrive saka as if naman makikipagkumpetensya kami sa matutulin na sasakyan. 



Well I hope na nakilala niyo na ang motmot namin, wait lang kayo sa bagong adventure namin!